Wednesday, April 1, 2009

Relive the Passion

So far in my lenten journey, I have realized this....

Jesus is my Best Friend. :D (and yours too.)

Luha ng Herusalem

Maria Salome: Kami sa Iyo ngayo'y nagluluksa, tumatangis, nalulumbay lumuluha. Mga hikbi ay hindi na mapigilan, habang minamasdan kitang krus ay pasan-pasan.

Maria Cleophas: Sinabi ni Hesus, "Jerusalem, huwag sa akin mabahala o maawa, tingnan ninyo ang sariling katauhan at ang buong sambayanan ang dapat iyakan..."

Maria Magdalena: Poong Dakila, walang kasalanan, hindi nararapat parusahan ng ganyan, paanong paraan kita matutulungan, pawiin ang hapdi at sakit sa iyong hantungan.

tatlong Maria: Winika ni Hesus, "Jerusalem, ang iyong lungkot at hinagpis ay angkinin. Bawat patak ng luha ay nararapat ibuhos sa sarili at iyong mga anak..."

Poong Dakila, walang kasalanan, hindi nararapat parusahan ng ganyan, paanong paraan kita matutulungan, pawiin ang hapdi at sakit sa iyong hantungan.

Oooo.. Dama ko ang hirap mo hesus, patawarin mo kami patawarin mo kami!

Poong Dakila, walang kasalanan, hindi nararapat parusahan ng ganyan, paanong paraan kita matutulungan, pawiin ang hapdi at sakit sa iyong hantungan.

Join us in reliving the story of Jesus' Passion this Holy Week. Come and see the passion musical "Pako at Nota: Ang krus ng Golgota" originally created by teatro Ebanghelyo of the Good Shepherd Cathedral and will be performed by the Teatro Para kay Kristo on these following playdates:

Tuesday, April 7. 7:00 pm. Our lady of Assumption Chapel, Luzviminda, Batasan Hills Quezon City.

Good Friday: 6:00- 10:00 am. Along Commonwealth Avenue (from Tandang Sora to St.Peter Parish). The musical here is transformed to fourteen stations of the cross.

SM Fairview: April 6 (tentative)

Friday, March 6, 2009

19th realization. :D

A life not lived for God is not worth living.

The Day I turned 19...

is the day people didn't believe me. :D

Mukha daw akong 20 sabi ng classmates ko sa Chem.

Mukha naman daw akong freshie sabi ng isang classmate ko sa Philo na Freshie. Masyado daw akong inosente tingan, shy type at di makabasag pinggan.

Hehehe. Siyempre lahat kaya ng mga nagtetake ng Philo ngayon ay mga matatapat na taO!!!! :D

Bwahahaha.

Anyway, I turned 19 yesterday. And I was extremely happy! I woke up with a strip of paper scoth-taped on my chest saying, "happy 19th Birthday Kuya Adam! Panda Boy! from paoPupot" It was from my younger brother, Paolo. That was the most unique birthday greeting I ever received!

The bulk of my birthday was purely academic. No Birthday of mine could stop the profs from discussing lessons. Wah! Should I mention the Particle in a Ring in Quantum mechanics? My Gahllyy.

I attended the 6 pm mass at the UP Chapel. There I prayed for those who made my birthday special. Bwahaha, my funny Classmates, my family, my friends at church and my bestfriend. After mass, Gerald texted me that he wanted to come with me to my house for my birthday... Talk about short notice! Bwahahaha. But I was extremely happy that I was able to see him!!

Wow. my brithday wish is simple, and that is to grow up to be the man God wants me to be. :D. I want to know him more, love him more and serve Him more.... (naks, Youth Alive ito). :D

Mabuhay!

Saturday, February 28, 2009

before the Love MOnth ends. :D

The most tunay love ever...

Kaninang umaga, habang tinutulungan ko si Kuya Jason sa Powerpoint niya about HEart of Worship, nakita ko tong pic na to...

At sobrang natouch ako at nagandahan dun sa pagkakaagawa nung painting. Ang realistic nung mga titig ni Jesus dito. Sobrang loving.

Tapos nung mismong talk niya na this afternoon, at napunta dun sa slide kung saan nakapaste tong pic na to, napatitig ako ng tunay. Sa unang tingin, mukhang itinatampok ni Hesus yung heart niya. Parang pinapakilala niya na, "Andito ang Puso ko, para sa'Yo." Idagdag mo pa yung malambing niyang tingin sa'Yo.

Tapos, mga after 3 minutes ng pagtitig. Napansin kong nakadikit naman sa Dibdib niya yung puso niya. At yung kamay ay waring nakaextend. Naka-helping hand ba.

Hay... Sobrang ganda talaga.

"Lumapit ka lamang at puso ko'y hagkan, pagibig Ko'y walang hanggan."

HinawingTabing Hawak kamay

Since legendary na ang hawak Kamay sa batch natin (Remember nung fweek?)

May nakita akong four-voice piece ng Hawak Kamay. :) Inedit ko siya para hindi masyadong mahirap. :D

Alto ang bida. :D Mabab ayung kanta eh. Yakang yaka natin yun!!!

Go 08B!!!!

Wednesday, February 25, 2009

Make Public Vehicles Manyak-Free!

Sumosobra na talaga yang mga taong yan. Hindi maganda. Napakabastos at napakaimoral. Sa mga kaibigan ko pa gagawin! Lumalaganap na talaga ang mga manyak ngayon sa mga pampublikong sasakyan. Nakakagalit!

Noong sabado, isa sa mga kaibigan ko ang minanyakan ng isang lalaki sa FX. Ayoko nang idescribe kung ano ang ginawa sa kanya pero nakakasama ng loob talaga. Nasa gitna pa naman sila nung FX kung saan siksikan.

Nung isang beses naman, isa pa sa mga kaibigan ko ang tinitigan ng manyak na lalaki sa Jeep na silang dalawa langa ng lulan. Sinusundan siya at hindi inaalisan ng titig.

At kahapon, isa pang kaibigan ko ang harap-harapang binastos sa bus. Pinakita sa kanyang nilalamas ang maselang bahagi ng katawan niya habang nakatayo sa isang hindi naman talaga siksikang bus.

Ano ba namang klaseng mga tao kayo? Talaga bang wala na kayong ititirang moral at kahihiyan sa inyo? Bakit lagi kayong nambabastos? At higit sa lahat, babae pa ang binabastos niyo? Ang kakapal niyo. Hindi talaga maganda. nakakainis. Nakakagalit. Huwag lang talaga akong makakita ng nanggaganito, ipapahiya ko talaga kayo. Sana nandun ako ng ginawa yun sa mga kaibigan ko para natulungan ko sila. Grabe kayO!!!

Sa mga kababaihan naman, huwag sana kayong magtahitahimik kapag binabastos kayo ng ganyan. Matuto kayong lumaban para nadadala ang mga manyak na yan. Ipakita ninyo na hindi kayo dapat binabastos. Ipahiya ninyo sa abot ng inyong makakaya, o kung maaari ay ipahuli niyo. Ipacorner niyo sa konduktor. Tyak naman na maraming tutulong sa inyo. Huwag kayong matatakot!

Tuesday, February 24, 2009

Pananatili. :D

Para kay Binibining E. :D AyLabYoo!

Pananatili

Huwag mong naising lisanin kita
Wala akong hangaring ika'y magisa
Saanman magtungo, ako'y sasabay
magkabalikat sa paglalakbay

Mananahan sa tahanan, sisilong sa 'Yo
yayakapin ang landasin at bayan mo

Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin ng buong sarili
Sanman abutin ng paghahanap,
Ikaw at ako'y magkasamang ganap!

Ipahintulot nawa ng panginoon,
Ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon
Dahil pagibig ang alay sa iyo, mananatili ako,
huwag nang naising tayo'y mawalay,
huwag nang isiping magwawakas ang paglalakabay!

Huwag mong naising lisanin kita..